10 TAONG KULONG SA WITNESS NA SINUNGALING

law55

(NI NOEL ABUEL)

NAIS ni Senate President Vicente Sotto III na pahabain ang hatol na kulong sa sinumang indibiduwal na mapatutunayang nagsisinungaling sa korte.

Ayon kay Sotto, 10 taong kulong ang dapat na parusa sa mga taong haharap bilang testigo sa isang kaso subalit sa huli ay babawiin o babaligtarin ang naunang testimonya nito sa korte.

“Every now and then, we hear stories of people being charged with the crime of perjury – it could be in the news or just in the neighborhood. It is an act which undermines the solemnity of the oath that one has undertook to ‘tell the truth, the whole truth, and nothing but the truth’,” ayon pa kay Sotto.

“A lot of people – prominent or otherwise – would subsequently and without batting an eyelash change their stories made under oath like it was not a big deal. This may be partly due to the imposable penalty that goes with the crime of perjury,” dagdag pa nito.

Sa kanyang inihaing Senate Bill No. 8, pinaaamiyendahan nito ang Article 183 ng Revised Penal Code, kung saan anim hanggang 10 taon ang ipapataw na parusa sa sinumang guilty sa krimen ng perjury.

Paliwanag pa ni Sotto na nagiging ugali na ng mga humaharap bilang testigo sa kaso na magbago ng testimonya nito sa gitna ng pagdinig sa kaso.

“We must not allow anyone to play games with our laws. We must ensure that our laws are respected at all times,” sabi pa ni Sotto.

 

333

Related posts

Leave a Comment