May magandang dulot ang panonood ng television o TV dahil ito ay pwedeng maging entertaining, educational, at magbukas sa panibagong mundo para sa mga bata. Makakakuha rin sila ng iba pang impormasyon o ideas na hindi nila basta mae-encounter sa kanilang komunidad.
Kung walang limitasyon ang mga bata sa panonood ng TV ay may masama ring epekto ito sa kanila.
Maraming mga magulang o guardians ang nag-aakalang sa panonood ng mga bata sa TV ay naiiwas sila sa mga masasamang elemento sa pakikipaglaro sa labas at sa kung anu-ano pang mga dahilan.
Marami rin sa mga itong dahil abala pa sa ibang mga bagay ay hinahayaan na lamang ang mga bata na magbabad sa panonood upang hindi maistorbo ang kanilang mga magulang.
Mga masasamang epekto ng panonood ng TV sa mga bata
-Nababawasan ang oras ng bonding ng mga bata sa pamilya.
-Nagiging obese o mataba ang bata dahil nakapokus na lamang siyang nakain habang nasa TV. Habang nakababad sa panonood ay nabababad din ang katawan sa mga junk food na kinakain ng bata.
-Nakukulangan o nawawala sa ayos ang tulog o pahinga.
-Nag-iiba ang ugali nito sa pakikipag-interact sa ibang tao.
-Naiiwas ang bata sa mas magandang activities tulad sa sports, music, arts at iba pa.
-Madi-discourage ang mga bata na magbasa ng mga libro at iba pang reading materials.
-Posibleng lumabo ang mga mata.
-Maaaring masagap ng mga bata ang anumang TV violence.
-Maaaring ma-trauma ang mga bata sa disturbing themes mula sa panonood ng TV.
872