NANGAKO si Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay ng P40 milyon kasunod ng kambal na pagyanig sa Batanes nitong Sabado.
Ang Pangulo, na nagtungo sa Batanes ng Linggo para alamin ang pinsala ng lindol sa Itbayat, ang bayan na pinakanapinsala, ay personal din na inalam ang kalagayan ng mga residente.
Sinabi ng lokal na gobyerno na ang ospital sa bayan ay hindi na magagamit dahil napinsala rin ng lindol.
Idinagdag ng Pangulo na hindi na maganda kung aayusin lamang ang ospital kundi, kailangang magtayo ng bago at matibay.
“Magbibigay ako ng P40 milyon. Umaasa ako na magagamit ito nang maayos sa pagpapatayo ng maliit na clinic hospital. Hindi kayo ganun karami rito at kakailanganin nyo yan sa transportasyon,” ayon pa sa Pangulo.
Tumama ang 5.4 magnitude na lindol bandang alas-4:16 ng madaling araw nitong Sabado at sinundan ng magnitude 5.9 tatlong oras ang nakalipas.
152