UNDERVALUATION NG RICE IMPORTS ITINANGGI NG BOC

BIGAS IMPORT

Itinanggi  ng Bureau of Customs (BOC) ang alegasyon ng Federation of Free Farmers, Inc. (FFF) na ‘undervalued’ ang rice importation.

Sa data na nakuha mula sa BOC Assessment O­perations and Coordina­ting Group (AOCG), nabatid na ang office ng Import Assessment Service (IAS) ay maglalaan ng reference values sa rice import bilang gabay sa totoong deklaras­yon ng halaga.

Kaugnay nito, ang lahat ng ports ay kailangang sumunod sa nasabing inilat­halang data maliban na lamang  kung ang commercial invoice ng rice shipment ay suportado ng tunay at validated na proof of payment  bilang bank telegraphic transfer of payment, sales contract at iba pang kaha­lintulad na lehitimong dokumento  na makikita sa actual sales transaction sa pagitan ng nagbebenta at bumibili.

Ang nasabing sistema ay kinikilala ng World Trade Organization  (transaction method) na kung saan ang Pilipinas ay isa sa mga signatory.

Ayon sa AOCG-IAS, ang nasabi ring system ay base sa ilalim ng Section 701 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Ang BOC ay nakatuon sa implementasyon ng Republic Act No. 11203 o mas kilala sa tawag na Rice Import Tariffication Law.

Sinisikap ng ahensya na  makakolekta ng P5.889 bilyon revenue para mapunuan ang target na P10 bilyon tariff collection para sa remittance ng taon sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Ang RCEF ay binuo para makatulong sa mga  rice farmers cooperatives  transition ng bagong rice regime.

Layunin din ng pamahalaan na tiyakin  ang seguridad sa pagkain at bilang kontribusyon  ng BOC ay nakatuon ito na makalikom ng revenue para makatulong sa industriya ng bigas. (Joel O. Amongo)

229

Related posts

Leave a Comment