$12,000 NAKUMPISKA NG BOC SA NAIA

ciustoms44

(NI FROILAN MORALLOS)

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang bagong modus o style ng smuggling ng sindikato, hindi smuggling ng illegal drugs o endangered species kundi smuggling ng pera galing sa ibang bansa.

Nabatid mula kay BOC-NAIA district collector Mimel Talusan, nadiskubre ang naturang foreign currencies ng kanyang mga tauhan pagdaan sa x-ray machines na aabot sa $12, 000 (tig $100 dollar bills) katumbas ng kalahating milyong piso.

Sa nakalap na impormasyon, ang naturang foreign currences ay ipinadala via air cargo galing pa sa Arkansas, at ibinalot ito sa aluminum foil, at inilagay sa loob ng cellular phone box.

Dumating ito ng Miyerkoles, July 31, sa Ninoy Aquino International Airport  sa pamamagitan ng FedEx.

Ayon pa kay Talusan ang nasabing foreign currencies ay kukumpiskahin dahil sa paglabag ng Section 1400 in relation to Section 113 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Kaugnay nito, magsasagawa ang BoC ng masusing imbestigasyon partikular na ang mga  consignee, sender at Customs broker bago sampahan ng kasong kriminal dahil sa paglabag ng Customs rules and regulation.

 

177

Related posts

Leave a Comment