HINDI pa handa ang Health Department sa legalisasyon ng marijuana at kailangan pa umano ng matitinding research kahit pa gamitin ito para sa medicinal purposes.
Sinabi ni Secretary Francisco Duque, sa panayam sa ANC, na ang mga research na gagawin ang magiging batayan ng mga mambabatas kung tama o hindi ang legalisasyon ng medican marijuana. Idinagdag ng kalihim na kahit pa ang paggamit nito na tutulong sa mga pasyente na maibsan ang sakit, pagsusuka o pagkahilo, ay hindi naman ito maituturing na gamot na magpapagaling sa sakit.
“Ilang mga doktor ang nagsasabi halimbawa na nakakokontrol ito sa kombulsyon at ipinakita kung gaano ito kaepektibo,” sabi ni Duque. Gayunman, sakaling maisa-legal ang paggamit nito bilang gamot, hindi ito maaaring gawing sigarilyo o magamit sa raw form at kailangang maging kapsula muna ito para gamitin ng pasyente.
Marami rin umano itong potensiyal na peligro at kabilang dito ang epekto sa paggamit ng sasakyan na mitsa ng aksidente. Maaari rin umanong ang paggamit nito ng sobra ay makapag-trigger ng psychosis tulad ng schizophrenia,” ayon pa kay Duque.
217