‘PHL MAY ‘K’ MAG-EXPLORE SA EEZ KAHIT WALA ANG CHINA’

kiko23

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

HINIMOK ni Senador Francis Pangilinan ang Malacanang  na isapubliko ang kasunduan sa China hinggil sa oil exploration sa West Philippine Sea at iginiit  na may karapatan ang Pilipinas na i-explore ang resources sa exclusive economic zone (EEZ) kahit wala ang China.

“Teritoryo natin ito at likas-yaman natin ito. Karapatan nating mga Pilipino na malaman ang mga detalye nito,” saad ni Pangilinan.

Iginiit ni Pangilinan na dapat isumite ng Executive department ang report ng naturang kasunduan sa Senado.

“Kailangan alam ng taumbayan ang laman ng kasunduan. Sila ang maghuhusga kung makabubuti sa atin o madedehado tayo rito,” diin nito.

Binigyang-diin ng senador na bagama’t nalagdaan na ang oil deal sa China noon pang isang taon, dapat aniyang mag-ingat ang administrasyon sa pagbalangkas ng final agreement at dapat itong isapubliko.

Hindi rin aniya dapat lumagda ang Executive department sa anumang kasunduan na mababalewala ang exclusive right ng bansa sa pag-explore, pagpapaunlad  at paggamit ng natural resources.

“Tandaan kampi sa atin ang UNCLOS at ang pasiya ng Permanent Court of Arbitration na kinikilala ang sovereign rights ng Pilipinas sa pangingisda at paggagalugad ng yaman sa West Philippine Sea,” paalala ng senador.

 

144

Related posts

Leave a Comment