Smart budgeting…
Nagtataasan ang presyo ng bilihin. At sa ating mga gastusin hindi na tayo dapat sumabay pa sa dagdag sakit sa ulong mga bayarin.
Pag-usapan natin ang pagtitipid sa enerhiya o sa kuryente. Kailangan nating magtipid sa kuryente para maka-save tayo mula sa utility bills at maprotektahan ang ating kapaligiran.
Para tayo ay makatipid, ito ang ilang tips na makatutulong sa inyo para mas may marating ang inyong pagba-budget.
– Adjust-adjust muna
Nagtitipid tayo at wala nang extra money para bumili pa ng energy efficient products. Kung bibili man tayo nito ay siguro hindi pa ngayon. Saka na lamang kapag nakaipon na. Kaya ano nang gagawin?
Simple lang naman. I-adjust na lamang muna natin ang aktibidad sa araw-araw sa bahay man o opisina sa paggamit ng kuryente.
Ang pagtitipid ay pwedeng simulan sa pagpatay sa ilaw o appliances na hindi ginagamit.
Bawas-bawasan na rin ang paggamit ng appliances tulad ng washing machine. Kung kaya namang labhan sa kamay at isampay na lamang pagkatapos ay hayaang matuyo nang natural at huwag nang gumamit ng dryer.
Huwag na rin tayong gumamit ng dishwasher at sa halip ay magtiyaga na munang maghugas ng plato nang mano-mano.
Ngayong tag-ulan, ikonsidera na muna ang paggamit ng electric fan at umiwas na gamitin ang air conditioner.
– Palitan ang mga ilaw
Ang mga traditional incandescent light bulb ay mataas kumonsumo ng kuryente kaya’t dito pa lamang ay masisira na ang inyong budget. Dahil mahal ang konsumo, kailangan na palitan ang mga uri ng nabanggit na ilaw at doon na lamang sa energy efficient alternatives nito.
Pwedeng maging smart choice ang halogen incandescent bulbs, compact fluorescent lights (CFLs), at light-emitting diode bulbs (LEDs) na maaaring magamit kahit saan at ito ay kumukonsumo mula 25-80% less electricity at tumatagal ng tatlo hanggang 25 beses kumpara sa traditional bulbs.
Sa energy efficient bulbs ay maliwanag na winner tayo sa environmental at financial benefits.
Makatutulong din na linisan nang regular ang mga bumbilya ng mga ilaw o takip nito. At kung hindi ginagamit o may sapat na liwanag mula sa natural light sa pagbukas ng mga bintana ay makatutulong din para makatipid pa sa kuryente.
– Gumamit ng smart power strips
Ang paggamit ng “phantom loads” o ang electricity na ginagamit by electronics kapag ito ay naka-off o nasa standby mode, ay isang major source ng pag-aaksaya ng kur-yente. Sa pag-aaral, tinatayang 75 porsyento ng electricity ay nagagamit para sa household electronics ay nakokonsumo kapag naka-switch off ang mga ito, kaya mahal ang bayad. Ang smart power strips, na tinatawag ding advanced power strips, ay nag-e-eliminate sa problema ng phantom loads by shutting off the power to electronics kapag hindi ito ginagamit. Ang smart power strips ay pwedeng i-set para ma-turn off at ma-assign sa oras, sa period na hindi ito ginagamit o inactivity, sa pamamagitan ng remote switches, o base sa status ng isang “master” device.
– Bumili ng energy efficient appliances
Kapag nakaipon na ng sapat na budget o may ekstrang budget, huwag manghinayang na mag-invest o bumili ng energy efficient appliances.
Kung ating pag-aaralan, on average, ang appliances na inyong ginagamit ay responsable sa 13% ng inyong total household energy use. Sa pagbili ng isang appliance, dapat maging focus sa dalawang bagay: ang initial purchase price at annual operating cost. Bagama’t ang mga energy efficient appliance ay kadalasang mas mataas ang presyo, ang operating costs naman nito ay 9-25% mas mababa sa conventional models.
Kung bibili ng isang energy efficient appliance, hanapin ang energy star label, na isang federal guarantee na ang naturang appliance na ito ang magkokonsumo lang ng kaunting kuryente kapag ginagamit at habang ito ay standby kumpara sa standard non-energy efficient models. Ang energy savings ay nag-iiba-iba depende sa specific appliance.
Halimbawa, ang Energy Star na nasa certified clothes washers ay kokonsumo ng 25% less energy at 45% less water kumpara sa conventional uri na nito, at sa ones, Energy Star refrigerators ay may tanging 9% less energy.
– Mag-repair ng bahay
Ang mga leak, crack, bitak o butas sa dingding, kisame ay may epekto sa inyong pagtitipid. Kung halimbawa kayo ay gumagamit ng air conditioner, ang hangin o lamig na nagmumula rito ay masasayang dahil lalabas lamang ito sa mga crack o butas na nasa inyong bahay.
– Suriin kung gumagana nang maayos ang appliances
Tsekin kung ang isang appliance gaya ng refrigerator ay dapat malaman kung gumagana ito nang maayos. Mas maganda na wala itong yelo o i-defrost muna. Ang kapal ng yelo sa surface ng freezer ay hindi dapat umabot sa ¼ inch.
Malaking bagay rin na maliban sa paglilinis ng bumbilya ng ilaw ay malinisan din nang regular ang electric fan, air conditioner, washing machine at iba pa ninyong appliances
– Go natural
Paminsan-minsan kung may sapat namang hangin na pumapasok sa bahay ay dito na lamang dumepende. Buksan ang mga bintana o kaya ay linisan muna ito lalo na kung may screen upang pumasok nang maayos ang hangin.
– Magtipid pa
Huwag hayaang laging naka-on ang inyong computer. Kung hindi ito ginagamit ay i-switch off ito at bunutin sa saksakan. Saka na lamang ito i-on muli kung gagamitin na. Ganoon din sa printer, fax at iba pa.
460