PUMIRMA LANG NAMAN PALA, BA’T SISISIHIN SA GCTA MESS?

EARLY WARNING

Kayo talaga mga katoto ang dudumi ng isip n’yo. Bakit nga ba naman sinisisi itong si Sen. Bato dela Rosa, ex-Bureau of Corrections (Bucor) chief, sa kaguluhan tungkol sa good conduct time allowance (GCTA) sa New Bilibid Prisons eh wala naman s’yang ginawang masama.

Bilang BuCor chief, pumirma lang naman siya ng release papers kaya marami noong panahon n’ya ang nakalaya tapos sisisihin n’yo na siya sa kontrobers’ya sa GCTA.

Kayo talaga, krimen na ba na matatawag ang pagpirma? ‘Yan ang sabi ni Senador Bato, hehe!

Abusadong computer shops, isara

Para mapaigting ang pagsisikap na maprotektahan ang kabataan, iniutos ni Navotas Mayor Toby Tiangco na isara ang mga computer shop na sumusuway sa mga ordinansa ukol dito at sa disciplinary hours.

Inatasan niya ang City Business Permits and Licensing Office na mag-issue ng notice of violation sa computer shops na nagpapahintulot sa mga menor de edad, na walang kasamang magulang o guardian, na pumasok at mamalagi sa kanilang establisimiyento kahit oras ng pasok o lagpas 10 p.m.

Binanggit ng alkalde ang mga reklamong natanggap sa pamamagitan ng Text Johnrey oR Toby (TEXT JRT) na maraming compu­ter shops ang sumusuway sa ordinansa hinggil dito.

Inutusan n’ya rin ang local police at barangay officials na higpitan ang pagpapatupad sa disciplinary hours ng lungsod. Simula nang s’ya’y muling umupo bilang alkalde, umabot na sa 1,168 ang na-rescue ng mga barangay dahil sa paglabag sa nasabing ordinansa. (Early Warning /ARLIE O. CALALO)

135

Related posts

Leave a Comment