Ang spider veins ay ang large capillaries (vessels). Maaari kang magkaroon nito ikaw man ay mayroong varicose veins o wala.
Ang capillaries ay maliliit, extremely thin-walled vessels na nagsisilbing isang bridge sa pagitan ng arteries (na siyang nagdadala ng dugo papalayo mula sa puso) at ugat (na siyang nagdadala naman ng dugo pabalik sa puso).
Ito rin ay ugat na halata dahil nakikita.
Kumpara sa varicose veins, ang spider veins ay mas maliliit ngunit naroon din na pwedeng maging masakit ang area kung saan ito makikita.
Ang pagkakaroon ng spider veins ay maaaring sanhi ng pressure mula sa dugo sa varicose veins, pero ang sanhi nito ay generally ay sinasabing hormonal factors na hindi pa malinaw sa pag-aaral sa ngayon.
Ang hormonal cause ang siyang nagpapaliwanag kung bakit ang spider veins ay mas nagiging common sa mga babae, lalo na sa mga buntis o sa panahon ng pagbubuntis.
SPIDER VEINS SA MUKHA
Kadalasang walang sintomas ang pagkakaroon ng spider veins sa mukha.
Sa lokasyon ng spider veins dito ay walang nararanasang pananakit o tipong pakiramdam na napapaso.
Kinokonsidera ng maraming tao na hindi halata ang pagkakaroon ng spider veins. Mga doktor ang nakakapagpatunay na spider veins ito by their appearance at sa iba pang detalye at hindi naman kailangan ng tests para rito.
TREATMENT SA SPIDER VEINS
– Katulad ng treatment sa varicose veins, ang spider veins ay pwedeng isailalim sa sclerotherapy o injection sa mga ugat. Ito ay isinasagawa ng isang doktor kung saan may ipapasok na medicine sa ugat para ma-seal ito.
– Maaari ring isagawa rito ang laser treatment at ito ay epektibo. Ngunit ang large areas ay nangangailangan ng several treatments. Ang therapy ay gumagamit ng isang laser beam para masira ang small veins.
816