KULTURA, PAGKAIN AT IBA PA:  BUMBONG SA PUTO… BUMBONG, ANO ‘YON?

PUTO BUMBONG-2

Ang puto bumbong ay isang uri ng kakaning Pinoy na seasonal food sa atin.

Seasonal dahil lumalabas lang ito sa merkado sa panahon ng Kapaskuhan.

Basta pumasok ang “Ber” months, asahan na nating matitikman na natin ang sarap nito na kadalasan ding kasama ng bibingka.

Ang dalawang ito ay aktwal na niluluto sa merkado, nakikita ng tao kung paano ito ginagawa bago ihain o ibigay sa mga mamimili.

Pero ano ang bumbong na binabanggit sa puto bumbong? May ideya ba tayo rito o hanggang sa kain lang ang nalalaman natin?

Ang bumbong ay tumutukoy sa buong biyas ng kawayan o bamboo na ginagawang lagayan ng kung anu-ano – pwedeng pagkain, mga gamit o pera (para maging alkansya).

Ang bumbong ay tumutukoy din sa silindrikong sisidlan pero karaniwang gawa talaga sa kawayan.

AGINALDO PARA SA LAHAT

AGUINALDO-1Bilang mga Filipino, ito ang palagi nating nariringgan sa tuwing panahon din ng Kapaskuhan.

Ang salitang ito ay hango sa salitang Kastila na “aguinaldo”. Ito ay tumutukoy sa regalo tuwing Pasko pero karaniwan lang ito para sa mga bata.

Sa paglipas ng panahon ang kahulugan para sa aginaldo ay nadagdagan pa. Tumutukoy na rin ito sa pera o bilang karagdagang sahod para sa mga mangagagawa. Ito ay Christmas bonus o 13 month pay pay.

PAROL SA ‘PINAS

Ang parol ay hango sa salitang Kastila na “farol” na ang ibig sabihin ay lantern o ilawan.

Noong araw bilang bahagi ng Kapaskuhan, ang parol ay inanyo ayon sa hugis ng tala at kulay puti o dilaw lamang. Yari lamang ito sa strips ng kawayan at papel na may mga kulay.

PAROLBilang bahagi ng kultura natin sa paggamit ng parol, ang ilaw na ito ay naiiba rin sa paglipas ng panahon. Ito ay dahil ang mga mater-yales nito ay mas pinarami, pinaganda upang mag-iba ang disenyo at dinagdagan ng iba’t ibang hugis, laki at kulay bilang palamuti sa bahay, opisina, paaralan, malls, kalye at iba pa.

Sa Pilipinas, ang Pampanga ang pinakakilalang lugar na gumagawa ng iba’t ibang klase ng mga parol.

Ang mga taong gu-magawa ng mga parol dito ay kadalasang itinuturing ito bilang kanilang ‘bread and butter’.

May mga Kapampangan na gumagawa ng mga parol sa loob ng maraming taon. May iba pa sa kanila ay ito na ang kinatandaan tulad ni Ernesto David Quiwa na umabot na ng limang dekada sa paglikha nito. Sa katunayan, sa kanyang husay ay hinirang siyang “Golden Man of Parol – San Fernando.” (ANN ESTERNON)     

597

Related posts

Leave a Comment