GRAND COVER-UP SA NINJA COPS

(NI NOEL ABUEL)

TINAWAG ni Senador Franklin Drilon na nagkaroon ng ‘grand cover-up’ sa hanay ng Philippine National Police (PNP) para pagtakpan ang pagsibak sa tungkulin sa 13 tinaguriang ninja cops na sangkot sa pagre-recycle ng illegal drugs sa Mexico, Pampanga.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights at Committee on public order and dangerous drugs, sinabi ni lider ng minority leader na hindi maitatanggi na nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng mga opisyales ng PNP at ng mga ninja cop kung kaya’t hindi natanggal ang mga ito sa serbisyo.

“In the minds of the committee, and I’m sure in the public, there appears to be a cover up of all of these. It took PNP personnel from Nov. 2014, to March 2016, six months to serve the dismissal order. The question now is, who sat on this?” pag-uusisa ni Drilon.

Giit nito, malaking usapin kung bakit natagalan bago lumabas ang dismissal order na una nang inilabas noong Nobyembre 14, 2014 ni dating Region 3 Police Director Raul Petrasanta laban kay dating Supt. Rodney Baloyo at sa mga tauhan nito sangkot sa pagre-recycle sa illegal drugs.

“It was only served on March 2, 2016, when you signed the dismissal order on November 2014, or a period of 16 months, the case folder slept somewhere. Saan kaya natulog ‘yun?” tanong nito.

Sina Baloyo ay itinuturong tumangay sa 160 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P648 milyon mula sa buy-bust operation sa bahay ng tinaguriang drug lord na si Johnson Lee.

“This is what we’re trying to figure out. Because in my count, it took about 48 months from November of 2013 to the final act of demotion on November 2017. A total of 48 months from the incident,” sabi ni Drilon.

“Masyadong mainit itong kasong ito, ha? Ang tawag diyan sa street language ay iwas-pusoy, ha? That’s the impression that we get. Somebody who was, you know…powerful enough na ayaw niyong i-implement for whatever reason, iwas-pusoy ang tawag diyan,” ayon sa senador.

Naniniwala ang ilang senador na may malaking tao o mataas na opisyal ang humaharang sa implementasyon ng dismissal from the service kina Baloyo at mga tauhan nito.

 

185

Related posts

Leave a Comment