MAYNILAD, MANILA WATER PINAKAKASTIGO NA KAY DUTERTE

duterte12

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANAWAGAN ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte na kastiguhin na ang water concessionaires dahil bina-blackmail na umano ng mga ito ang mga consumers.

Ginawa ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza kasunod ng balak ng Manila Waters at Maynilad na magtaas ng 780% na singil sa tubig matapos patawan sila ng Korte Suprema ng multang tig-P921 Milllion dahil sa paglabag ng mga ito sa Clean Water Act.

“We are urging the government and President Duterte to look into the concession agreement, have it reviewed and if possible revoke it altogether,” pahayag ni Atienza.

Tanging si Duterte na lamang umano ang puwedeng kumastigo sa dalawang water concessionaires na ito upang mapigilan sila sa pambablackmail sa kanilang mga consumers.

“This is the height of arrogance! Instead of complying with the Supreme Court order, they are now threatening consumers with an oppressive hike in water rates unless the high tribunal reverses its ruling. This is tantamount to blackmail,” ayon pa sa kongresista.

Hindi dapat payagan umano ng Pangulo na ipasa sa mga consumers ang multang ito na ipinataw ng Korte Suprema sa Manila Water at Maynilad dahil hindi ito makatarungan sa mga consumers na 22 na aniyang kinokolektahan ng mga ito ng sewerage fees.

“Di ba sa kahit anong negosyo, merong panalo, merong talo?  Kapag pumasok kayo sa negosyo with the government, kung matalo kayo, wala kayong magagawa. But you have been collecting money from us for the past 22 years,” ayon pa sa mambabatas.

Sinabi naman ng mga militanteng mambabatas na gagawin nila ang lahat ng paraan upang hadlangan ang planong ito ng Maynilad at Manila Waters at masiguro na sumunod sa batas ang mga ito.

 

156

Related posts

Leave a Comment