BOC NANGUNA SA WCO’S ASIA PACIFIC SECURITY PROJECT PROGRAMME GLOBAL SHIELD

WCO_S ASIA PACIFIC

Pinangunahan ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng  External Affairs Office, ang World Customs Organization Asia – Pacific Security Project Pre-Operational Planning and Coordination Meeting kaugnay sa Programme Global Shield (PGS) na isinagawa sa Midas Hotel nitong Oktubre 16 hanggang 18.

Sa mensahe ni Commissioner Rey Leonardi Guerrero, ipinahayag nito ang suporta sa WCO’s campaign laban sa  banta ng IEDs kasabay ng paniniyak na nananatiling prayoridad  ng BOC ang national security at border protection.

Binigyan diin pa ng opis­yal ang makabuluhang papel ng Customs officers para mapagaan ang banta sa seguridad sa pamamagitan ng Programme Global Shield na magbigay ng  training at technical equipment sa pagmu­monitor sa galaw ng IED.

Ang PGS ay bahagi  ng WCO’s Security Programme, na itinatatag para palakasin ang kapasidad ng Customs administrations sa pagmumonitor at pigilan ang pagpasok ng chemicals, detonators at transmitters na gamit sa paggawa ng Improvised Explosive Devices (IEDs) at pigilan na rin ang trafficking.

Kabilang sa mga de­ligado  mula sa South East Asia and Pacific ang Bangladesh, Cambodia, India, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Maldives, Myanmar, Pakistan, Philippines, Sri Lanka, Thailand at Vietnam.

Kasama rin sa dumalo sa workshop sina Mr. Rei Murakawa,  Chief ng Office of Counselor for International Cooperation Japan Customs and Tariff Bureau; Mr. Mitsuo Suzuki, JICA Customs Expert; Mr. Terrence Wall,  Project Manager ng WCO Asia-Pacific Security Project; Mr. Mohammad Ehteshamul Hoque, WCO Accredited Expert for Programme Global Shield (PGS), kinatawan mula sa mula sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) at Mr. Yogi Filemon Ruiz, Director ng  Enforcement and Security Service, Philippine Bureau of Customs. (Joel O. Amongo)

175

Related posts

Leave a Comment