BOC NAGSAGAWA NG CUSTOMS BONDED WAREHOUSE SUMMIT

CUSTOMS BONDED WAREHOUSE SUMMIT

Para makasabay sa mabilis na pag-unlad ng kalakalan sa buong mundo ang Bureau of Customs (BOC), nagsagawa ng Bonded Warehouse Summit ang ahensya nitong nagdaang Oktubre 19 sa Diamond Hotel sa Maynila.

Magkaagapay ang BOC personnel at ang Assessment and O­perations Coordinating Group para mapabuti ang pamamaraan at operasyon ng Customs.

Layunin ng pagtitipon na sariwain, at ipatupad ang mga pagbabago upang higit pang mapahusay ang kakayahan ng BOC personnel partikukar sa Customs Bonded Warehouses (CBW) operations gayundin sa mga pangunahing panuntunan sa pamamahala ng warehouses.

Ang nasabing okasyon ay nagbigay ng orientation kaugnay sa duties and functions ng Customs personnel na nakatalaga sa CBW maging sa pangkalahatang ideya sa Customs Administrative Order No. 13-2019 (Customs Bonded Warehouses) na may kinalaman sa Republic Act No. 10863, o mas kilala sa tawag   na Customs Mo­dernization and Tariff Act (CMTA).

Tinalakay rin sa summit ang pangkalahatang ideya sa Airline CBW,  Cargo Handling, Airline Catering CBW and Public CBW, at warehousing operations.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga official at personnel mula sa iba’t ibang collection districts ng bansa.

Nagsilbing resource speakers sina Ely Condat, chief ng Warehousing Documentation and Records Division, Port of Manila; Dan E. Oquias, Officer-in-Charge ng DHL, Port of NAIA; Arnold R. Dela Torre, Jr., acting chief, CBW Division, Port of NAIA; at Jesus G. Llorando, chief ng Liquidation and Billing Division, Port of Manila.

Kasama ring dumalo si Deputy Commissioner Atty. Edward James Dy Buco ng AOCG at Director Atty. Yasser Ismail Abbas ng Import Assessment Service. (Boy Anacta)

165

Related posts

Leave a Comment