(NI BERNARD TAGUINOD)
HINDI pa rin isinusuko ng Duterte administration ang planong isailalim sa Martial Law ang buong bansa.
Ito ang basa ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago sa pahayag umano ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na babawiin ang martial law sa Mindanao kapag sa pag-amyenda sa Human Security Act (HSA).
“Secretary Esperon is in effect proposing to trade the lifting of Martial Law in Mindanao in exchange for de facto Martial Law throughout the country, a ridiculously deceptive devil’s bargain,” pahayag ni Elago.
Base sa panukala, matindi ang implikasyon sa bansa kapag nagtagumpay ang gobyernong Duterte na amyendahan ang HSA dahil maaaring manghuli nang mahuli ng mga taong paghihinalaan pa lang nila na kalaban ng terorista at kalaban ng gobyerno at ikulong ng dalawang buwan na kahit walang maisampang kaso.
Mapalalawig din ng hanggang dalawang buwan ang wiretapping activities na ang tiyak na target, ayon kay Elago, ay mga kritiko ng administration at ibababa naman ang multang P500,000 kada araw na ipapataw sa mga ng mga otoridad na aaresto kahit walang kasalanan.
“With the amendment of the HSA, we can only expect the abysmal human rights situation in our country to become even worse. The amended HSA will undoubtedly be used to clamp down on dissent and further persecute government critics and political opposition. Innocent civilians could be stripped of their rights and civil liberties,” dagdag pa ni Elago.
Lalong lalala umano ang sitwasyon sa bansa kapag sinabayan pa ito ng pagbuhay umano sa Anti-Subversion Law at militarisasyon sa mga eskuwelahan at hindi lang sa Mindanao ito ipapatupad kundi sa buong bansa.
180