CAYETANO KAY LENI: PLANO SA DRUG WAR, ILATAG

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINAMON ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Leni Robredo na ilatag nito ang kanyang plano kung paaano susugpuin ang giyera kontra ilegal na droga sa bansa.

Ginawa ni Cayetano ang hamon matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa niyang isuko ang kanyang law enforcement authority kay Robredo sa loob ng 6 na buwan para pamunuan ng Bise Presidente ang war on drugs.

Ang pahayag ni Duterte ay kasunod ng pagbatikos ni Robredo sa war on drugs ni Duterte dahil malala pa rin umano ang problema sa droga gayong tatlong taon ang war on drugs.

“Ako susuportahan ko ang challenge ng ating Pangulo at susuportahan ko si Vice President if she takes the reign for six months but ipakita muna niya at ipaliwanag anong programa niya kasi madaling magsabi,” ani Cayetano

“You wanted the chance, gusto mo magbago ang Pilipinas,  gusto mo magbago ang drug war. Tell us now,  kung ikaw ang 6 months, ano ang gagawin mo?,” ayon pa sa lider ng Kamara.

Kapag nailatag na umano ni Robredo ang kanyang plano kung paaano susugpuin ang problema sa droga sa bansa ay maaari na itong magsimula sa kanyang tungkulinbilang anti-drug czar.

Kinontra din ni Cayetano ang pahayag umano ng mga kritiko ng administrasyon na ipinapasa lamang ni Duterte ang problema kay Robredo dahil hindi nito natupad ang kanyang pangako na tatapusin ito sa loob ng 3 hanggang anim na buwan.

“I don’t really believe it is passing the problem. I don’t believe the President does not believe that still it is his responsibility,” ayon pa kay Cayetano.

 

136

Related posts

Leave a Comment