(NI NOEL ABUEL)
NANINDIGAN si Senador Pia Cayetano na higit na makikinabang ang mga kabataan sa bansa sa panukalang dagdag-buwis sa mga alak at sigarilyo.
Ayon sa senador, pangunahing layunin ng Senate Bill No. 1074 na iiwas ang mga kabataan na malulong sa masamang epekto ng alak at sigarilyo sa pamamagitan ng pagdagdag sa buwis sa sin tax.
Sinabi ni Cayetano, chair ng Senate Ways and Means committee, ang dagdag na excise taxes sa lahat ng alcoholic beverages at e-cigarettes kabilang din ang tobacco products at ng vapes.
“What we want to achieve is [to significantly raise our alcohol prices] so that these are not so accessible to the most vulnerable: the children and youth,” ayon kay Cayetano sa interpelasyon ni Senador Manny Pacquiao, na co-author din ng SB 1074.
“Hindi po tayo naniniwala na kailangan affordable ang alak sa ating mga kabataan. For example, sa isang bote ng gin, ang karagdagang presyo lang dito ay P2.00 per shot [under SB 1074]. Nasa P6.00 ang isang shot [based on the current price of gin],” paliwanag ng senadora.
Nakasaad din sa nasabing panukala na mas mataas ang ipapataw na buwis sa sin tax kung ikukumpara sa inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at ng Department of Finance (DOF).
“What I have proposed is a rate that is higher than that proposed and passed in the House of Representatives. In fact, it is also higher than that initially showed to me by DOF. But both the DOF and DOH [Department of Health] now support my version,” sabi ni Cayetano.
Sa pamamagitan umano ng SB 1074 ay makakakolekta ng P47.9 bilyong dagdag na kita ang pamahalaan subalit kulang pa rin ito sa kinakailangan ng Universal Health Care (UHC) program.
156