PRANGKISA NG ABS-CBN TAGILID PA RIN SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD)

MISTULANG nanganganib pa rin ang prangkisa ng ABS-CBN matapos hindi magbigay ng kasiguraduhan ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na bibigyan nila ito ng  prayoridad bago matapos ang taon.

Sa ambush interview kay House Speaker Alan Peter Cayetano, sinabi nito na maraming prayoridad ang Kongreso na dapat unahin kaya sa ngayon ay hindi pa maasikaso ang prangkisa ng nasabing TV station.

“Ang tanong kasi sa akin, will we hear  the franchise of ABS-CBN? So ang sabi ko, ang ginagarantiya ng 18th Congress ay we will be fair  at magkakaroon ng hearing,” pahayag ni Cayetano.

Nakatakdang mapaso sa Marso 2020 ang prangkisa ng ABS-CBN at kung hindi ito maibigay bago ang nabanggit na petsa ay posibleng mag-sign off ito.

HINDI FAIR ANG ABS-CBN?

Hindi man direkta, sinabi ni Cayetano na bukod sa Pangulong Rodrigo Duterte ay mayroon na siyang hindi magandang karanasan sa nasabing TV station noong 2016 election.

“Ako mismo. Apat kaming naimbitahan na vice presidential candidate sa DZMM.
Yung isa nilabas sa 6:30 p.m. news, sa Bandila, sa Umagang Kay Ganda at lunch time. Yung dalawa sa amin, DZMM and then Bandila. Yung isa sa amin sa DZMM (lang), hindi lumabas sa iba. So may mga katanungan kami or issue,” ani Cayetano.

“So yun po yung problema when you’re saying ‘fair’,” dagdag pa ni Cayetano.

Gayunpaman, magkakaroon pa rin umano ng hearing sa prangkisa ng nasabing TV station upang tanungin ang mga may-ari dito sa nasabing mga issue bago sila magdesisyon.

“Mag hearing muna tayo, pakinggan muna natin yung issues—base dun sa mapakinggan natin, we will make a decision. We will make a decision—the decision is the consequence of the hearing and hindi baliktad,” dagdag pa nito.

Pero hindi nagtakda ng panahon si Cayetano kung kailan isasalang sa committee hearing ang prangkisa ng ABS-CBN.

 

212

Related posts

Leave a Comment