CAGAYAN ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY DAHIL SA BAHA

ISINAILALIM ang lalawigan ng Cagayan sa state of calamity ngayong Biyernes dahil sa matinding pagbaha sa rehiyon.

Sa resolusyon na isinumite sa provincial board ng Cagayan, pinahintulutang gamitin ang local disaster funds para sa rehabilitasyon ng nawasak na ari-arian bunsod ng malawakang pagbaha.

Ayon sa Office of Civil Defense, nasa 12 bayan sa northern Cagayan ang nakalubog dahil sa ilang araw na malalakas na pag-ulan.

Umabot na sa 4,760 pamilya o 20,152 katao ang apektado sa pagbaha.

Tatlo katao na rin ang nasawi sa pagkalunod habang dalawa naman ang nasabi sa pagguho.

159

Related posts

Leave a Comment