(NI DANG SAMSON-GARCIA)
NAALARMA si Senador Win Gathalian sa tumataas na kaso depresyon at anxiety sa kabataan na iniuugnay din sa social media at internet.
Dahil dito, nanawagan si Gatchalian sa Department of Education (DepEd) na ituro ang responsableng paggamit ng social media bilang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan ng isip o mental health.
Una nang sinabi ni Dr. Cornelio Banaag, Jr. ng Medical City na ang kakulangan sa tulog bilang epekto ng lubos na paggamit ng smartphone ang isa sa dahilan ng anxiety at depresyon.
“Babala ng mga eksperto, ang pagbababad sa social media ang isang pangunahing dahilan kung bakit dumarami ang mga kabataang dumaranas ng anxiety at depresyon. Nakakabahala ito lalo na’t nababansagan tayong social media capital of the world, kaya naman mahalagang maituro natin ang wastong paggamit ng internet at social media,” saad ni Gatchalian.
Ayon sa Department of Health, nasa 3.3. milyong Filipino ang may depressive disorders.
Sa isang pag-aaral naman ng World Health Organization, sa mahigit 8,000 mag-aaral sa Pilipinas, halos 17 porsiyento ng mga mag-aaral na may edad 13-17 ang nagtangkang magpakamatay.
1209