PHL MADE NA ARMAS DAPAT PAGTUUNAN NG AFP

afp12

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

INIREKOMENDA ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na pag-aralang i-convert bilang economic zone ang government arsenal sa Bataan.
Kasabay nito, iginiit din ni Recto na dapat gawing prayoridad sa defense spending ang pagdaragdag ng locally made defense at police equipment.

“There should be local dividends from the equipment shopping spree,” saad ni Recto.
Tinukoy pa ni Recto ang kalidad ng ibang produkto ng domestic firearms makers na tinatangkilik ng ibang police forces sa ASEAN region.

Inihalimbawa pa nito ang isang locally-made shotgun na nagiging bestseller sa local police departments sa ilang estado sa  America.

Iginiit ng mambabatas na isa sa mga government-owned asset na maaaring palawakin ay ang DND-run government arsenal sa Bataan.

Sa ngayon ay 10 hectares ng 300 hectares ng lupain ng arsenal ang nagagamit at ang sobra nito ay maaaring gamiting export processing zone.

“The know-how is there, the land is there. It is strategically positioned to become a hub for armaments that can be exported,” diin ni Recto.

Binigyang-diin pa nito na maaari ring makapagbigay ng mas maraming trabaho at kita sa pamahalaan ang paghikayat sa local manufacturers na itaas ang produktsyon ng mga sasakyan, barko o kahit mga baril.

159

Related posts

Leave a Comment