PETISYON SA PAGBASURA NG RICE TARIFF LAW IBINIGAY SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD)

IBINIGAY ng mga militanteng grupo sa House committee on agriculture ang 50,000 signature na kanilang kinalap upang hiniling na ibasura ang Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law.

Sa forum na inorganisa ng Makabayan bloc congressmen, sa pangunguna ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, pormal na ibinigay kay Quezon Rep. Mark Enverga, chair ng nasabing komite, ang nakalap na signature ng kanilang mga kasamahan sa labas ng Kongreso.

Tinawag na “Petisyon ng Mamamayan Para Ibasura ang RA 11203” ang signature campaign na pinangunahan ng Bantay Bigas at Amihan kung saan 11,203 na lagda lang ang kanilang target subalit umano ito ng 50,000.

“Indikasyon ito na marami ang gustong ibasura na ang batas na ito na nagpapahirap sa ating magsasaka,” pahayag ni Brosas kung saan umaasa ito na pakikinggan ng Kongreso ang boses ng mamamayan.

Ang nasabing batas ang itinuturong dahilan kung bakit bumagsak ang sektor ng pagsasaka sa bansa dahil mula sa P22 na benta sa bawat kilo ng palay bago naipatupad ito, naging P12 na lamang ito.

May pagkakataon pa na umabot umano sa P7 ang bawat kilo ng palay kaya maraming magsasaka ang nalugi at hindi nakabangon hanggang sa kasalukuyan.

Dahil din aniya sa nasabing batas, naungusan na ng Pilipinas ang China sa dami ng bigas na inangkat dahil umaabot umano ito sa 3.1 million metric tons matapos magkaroon ng liberalisasyon sa rice importation.

212

Related posts

Leave a Comment