PAGKAING BUKID: LARAWAN NG SARAP

Ararawan

Ang buhay ng mga magsasaka o ang mga taong laki sa mga lalawigan ay sanay sa payak lamang na pamumuhay at kabilang dito ay ang kanilang mga kinakain.

Ang mga pagkaing ating tinutukoy ay ang mga putaheng bagay na bagay lamang sa simpleng salu-salo pero walang dudang makapagbibigay ng totoong kabusugan sa ating sikmura.

Ang mga putaheng ito ay karaniwang tinatawag na pagkaing bukid o sa bukirin o sa simpleng tahanan lamang madalas na nakakain. Larawan ang mga pagkain ito ng kasimplehang pamumuhay ng ating mga kababayan.

Karaniwan din na ang mga lahok sa mga pagkaing ito ay galing mismo sa bukirin o nakukuha sa kalapit na bukirin.

Alamin nating ang mga pagkaing bukid na ito…

ARARAWAN

Ang pagkaing exotic na ito ay popular sa mga taga Norte partikular sa mga Kapampangan at mga Ilocano.

Ang ararawan ay termino para sa cricket, kamaru o sa mga Katagalugan ito ay tinatawag na kuliglig o susuhong.

Ang lutong bagay dito ay adobo at pwede rin namang simpleng pinirito o ginisa lamang.

Nililinis muna ang ararawan at tinatanggal ang mga lamang-loob nito habang ang iba ay mas gustong ang internal organs nito ay kumpletong nasa loob pa rin.

Sa pagluluto ay karaniwang pinakukuluan muna ang ararawan sa loob ng limang minuto, saka tatanggalin mula sa pinagkuluan at iluluto naman sa nais na espesyal na putahe.

TIPAKLONG

Kung may ararawan ay mayroon din namang nabubuhay na o sasakto na sa pagkain tulad ng tipaklong.

Silam-silam ito kung tawagin sa Isabela. Gamit ang kamay, ito ay hinuhuli ng mga magsasaka lalo na sa kanilang mga taniman.

Sa paghahanda nito ay tinatanggalan ang mga tipaklong ng mga pakpak at pangil. May iba naman na walang anumang tinatanggal sa tipaklong na kanilang nahuli.

Ang pagkakaiba sa ibang pagkaing bukid, ito ay kinakain nang buhay. Ayon sa mga kumakain nito, mas kakaiba raw ang lasa ng tipaklong kung kakainin nang sariwa, buhay na buhay o sadyang gumagalaw pa.

Nakagawian nang kainin ito bilang pamatid-gutom na rin ng mga magbubukid. Wala rin namang napabalitang may namatay na sa pagkain nang buhay na tipaklong.

BISUKOL

Ang bisukol (sa Ilocano) o kuhol ay masarap ding kainin at hilig na hilig ng mga taga-bukid.

Kapag ito ang usapin sa pagkain, mas maraming pumipili nito kung ang pagkakaluto ay ginataang kuhol na may rekadong kangkong, sili, bawang, sibuyas o ano pang magpapakumpleto sa sarap ng pagkaing ito.

PALAKA

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

Natural na papasok sa usapang pagkaing bukid ang palaka. Natural ding ang uri nito ay palakang bukid na sinasabing malinis kumpara sa iba dahil sa bukirin lamang ito mas madalas na makuha.

Kalasa nito ay katulad lamang sa manok na malinamnam at depende sa pagkakaluto ay talaga namang kasasabikan.

Ilan sa mga piling uri ng pagluluto rito ay ang adobo, pinirito, ginisa, at ginataan sa kamias.

KANGKONG AT TALBOS NG KAMOTE

Kasimplehan man, wala ring tatalo sa sarap ng ensaladang kangkong o talbos ng kamote.

May mga taong sadyang nagkakasya na rito bilang pagkain lalo na sa katanghalian matapos ang kalahating araw na pagtatrabaho sa bukirin.

Dahil hindi magastos ay madali rin namang ihanda at pagsaluhan.

Ang iba pang mga nilalahok dito ay kamatis, sibuyas, bawang, at paminsan na sinasamahan din ng katas ng kalamansi para ito ay mas maging malasa.

Isa pang uri ng putahe para sa kangkong ay ang ginisa nito lalo na kung maraming kamatis at napakuluan nang maayos para lumabas ang tunay na lasa at sarap.

UOK

UOKMay mga pagkain talaga na bagama’t kakaiba ay pwedeng maging angat ang lasa at maging bahagi na ng ating hapag kainan.

Ang uok o woodworm (o coconut worm) ay masarap kainin lalo na kung ito ay inadobo.

Ang uok ay larva ng salaginto na matatagpuan sa katawan o torso ng puno ng niyog.

861

Related posts

Leave a Comment