ATLETANG PINOY SUPORTAHAN; FAKE NEWS DEADMAHIN — BONG

seagames12

(NI NOEL ABUEL)

UMAPELA ang isang senador na magkaisa at suportahan ang lahat ng Filipino athletes na lalaban sa Southeast Asian Games.

Ayon kay Senador Bong Revilla ngayong araw gaganapin ang pinakamalaking opening ceremony sa kasaysayan ng SouthEast Asian Games sa Philippine Arena kung saan inaasahang mahigit sa 50,000 mga atleta, opisyal, mga fans, at mga manonood ang makikibahagi.

“Malaki ang ginawa nating paghahanda bilang host country. Kaya sa kabila ng ilang pagkukulang, unahin natin ang ating mga atleta na magbibigay karangalan sa bansa,” aniya pa.

“Target ng ating mga manlalaro ang mahigit 220 gold medals. Let us cheer them on so that they surpass this target! Iparamdam natin ang Home Court Advantage nating mga Pinoy! Ibandila, ipagmalaki, at isigaw natin #WeWinAsOne!,” sigaw ng senador.

Umapela rin ito sa publiko na huwag basta maniwala sa nagkalat  ng fake news para siraan ang reputasyon ng SEA Games.

“Sana iwaksi muna natin ang pulitika at pagpapakalat ng mga fake news para lamang guluhin ang napakalaking event na ito sa ating bansa at sa halip ay suportahan natin ang ating mga atleta,” sabi nito.

“Isantabi muna natin ang alingasngas at unahin ang paghohost ng SEAG. May panahon para panagutin ang mga nagkulang, pero ang mahalaga ngayon ay ang suporta natin sa mga atleta natin,” dagdag pa nito.

 

255

Related posts

Leave a Comment