PAGDIDISIPLINA SA PECO HINILING NG SOLON

(NI ABBY MENDOZA)

TINAWAG na “alarming” ni Iloilo Rep Julienne Baronda ang naging findings ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa isinagawa nitong imbestigasyon sa reklamo laban sa distribution utility na Panay Electric Co. (PECO).

Ayon kay Baronda, pinatutunayan ng naging resulta ng imbestigasyon ng ERC na tama at may batayan ang inihaing reklamo laban sa PECO ni Iloilo Mayor Jerry Treñas na nagpasaklolo na sa Malacanang at ERC matapos ang nakaaalarma at hindi na ordinaryo na siyam  na magkakasunod na sunog sa poste ng electric company noong nakaraang buwan.

Gayundin ay pinatitibay ng ERC findings ang naging report ng Bureau of Fire Protection(BFP) na halos kalahati ng naganap na sunog sa Iloilo City sa nakalipas na limang taon ay dahil sa mga poste ng PECO.

“The findings of the ERC are alarming if not appalling for endangering the lives of many Ilonggos. These seem to confirm what the Bureau of Fire Protection reported and what Mayor Jerry Treñas complained about before the ERC,” pahayag ni Baronda.

Kasabay nito, hinamon ni Baronda ang ERC na ipataw ang nararapat na disciplinary action laban sa PECO dahil bilang kumpanya na nasa linya ng public interest ay dapat ligtas at maayos ang ibinibigay nitong serbisyo sa mga consumers.

 

287

Related posts

Leave a Comment