KAHIT WALA NANG ML SA M’DANAO; MILITANTE KABADO PA RIN

martial law12

(NI BERNARD TAGUINOD)

BAGAMA’T ikinatuwa ang desisyon ng Malacanang na hindi na palalawigin ang Martial Law sa Mindanao, kabado pa rin ang mga militateng mambabatas dahil isinusulong na pag-amyenda sa Human Security Act (HSA).

“Tatlong taon na ang Martial Law sa Mindanao at tama lang na tapusin na ito,” ani Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat subalit hindi umano dapat ang kapalit nito ay ang pag-amyenda sa HSA.

Ayon sa mambabatas, mas malala sa martial law sa Mindanao ang pag-amyenda sa HSA dahil buong bansa ang sasakupin nito kung saan puwedeng arestuhin ng government forces ang mga kontra sa kanilang mga polisiya at ikulong nang matagal na panahon kahit walang kasong maisampa.

Hindi ito (HSA amendment) ang kasagutan sa pagsugpo sa rebelyon at maging sa terorismo. Ang dapat ay i-address nila kung ano talaga ang puno’t dulo ng armed conflict,” ayon pa sa unang Manobo solon.

Ganito din ang pahayag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kaya dapat aniyang magbantay pa lalo ang taumbayan.

“The HSA amendments will actually enforce a nationwide de facto martial rule, and will impose the stiffest penalties for the slighest form of criticism and dissent,” ani Brosas.

Ikinatuwa naman ni Anak Mindanao party-list Rep. Amihilda  Sangcopan na matatapos na ang Martial law sa buong Mindanao sa Disyembre 31, 2019 dahil umiiral na rin naman aniya ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

 

181

Related posts

Leave a Comment