Alam ninyo bang ang pag-e-exercise nang 10 minuto kada araw ay nakatutulong na magpatalas ng memorya?
Sa report batay na rin sa pag-aaral ng mga researcher mula sa University of California, Irvine sa United States at University of Tsukuba sa Japan, lumabas na may malaking impact sa pag-iisip ng isang tao ang pag-eehersisyo.
Sa pagsusuri ay nag-imbita muna ng 36 volunteers na nasa early 20s ang mga scientist at isinailalim muna ang mga ito sa 10 minutes na light exercise bago sumalang sa memory test. Ginawa rin nila ito sa isa pang grupo ng volunteers na hindi nag-exercise. At ang resulta’y mas mataas ang lumabas na grado ng mga nag-ehersisyo kumpara sa hindi.
“Our main goal is to try to develop an exercise prescription that can be used by older adults who might have disabilities or mobility impairments, but can still adopt a very simple exercise regimen and be able to, perhaps, stave off cognitive decline,” paglalahad ni Michael Yassa, co-author at neuroscientist sa University of California.
Maliban dito, sa isa ring pag-aaral na inilathala ng New England Journal of Medicine ay nabatid na ang mga may edad nang nakikilahok sa exercise, paglilibang o sayawan ay nailalayo sa panganib ng dementia.
228