MAGUINDANAO MASSACRE RESOLUTION, LEGASIYA NI PDU30

duterte32

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAGIGING legasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkamit ng mga kaanak ng mga biktima ng Maguindanao massacre ng katarungan matapos ang 10 taong paglilitis.

Ito ang pananaw ng ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan  ng Kongreso dahil sa araw na ito, Disyembre 19, ay hahatulan na ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Jocelyn Solis-Reyes ang mga suspek sa Maguindanao massacre.

“This is another legacy-defining moment for the Duterte administration,” ani Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Dangerous Drugs Committee.

“I feel it’s no coincidence that a Mindanaoan President was sitting when the wheels of justice finally turned in favor of the victims’ families, or at the very least gave them closure regarding their harrowing experience that lasted over a decade. President Duterte will be remembered for this,” dagdag pa nito.

Ganito rin ang opinyon ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel kaya maaalala ng lahat lalo na ang mga susunod na henerasyon na nakamit ng mga kaanak ng mga biktima ang hustisya sa panahon ni Duterte.

“I think it will go down in history that the resolution of the Maguindanao Massacre case was done during the Duterte administration. Definitely, it will be one of his legacies,” ayon pa kay Pimentel.

Magugunita na noong Nobyembre 23, 2009 ay pinatay ang 58 katao kasama na ang 32 kagawad ng media sa Shariff Aguak, Maguindanao na itinuturing na pinaka-karumaldumal na krimen sa bansa kung saan ang mag-aamang Ampatuan na sina Andal Sr., Andal Jr., Zaldy at iba ang mga pangunahing suspek.

Namatay na dahil sa sakit habang nakakulong si Andal Sr., at babasahan na ang kanyang mga anak at mahigit 197 iba pa ng sentensya sa nasabing krimen na kinondena, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

 

387

Related posts

Leave a Comment