MGA PREPARASYON SA BAHAY NGAYONG HOLIDAY SEASON

PASKO-1

Ganitong bilang na bilang na lamang ang mga araw bago mismo ang Pasko, pihadong nagkakandarapa na ang marami sa atin para harapin ang pinakaabalang okasyon ng taon.

Handang-handa na ba kayo sa Pasko? Ngayon pa lamang ay dapat nakahanda na tayo para bawas stress o pagkataranta.

Isa sa mga dapat tandaan ay ang unahing malinis ang buong bahay.

PASKO-2Maigi ring ilabas, linisan o hugasan ang mga plato, kubyertos, baso at iba pang may kaugnayan sa pagkain. Kasama rin dito ang mailabas at mahugasan ang mga kaldero, lagayan ng desserts, at kung anu-ano pa. Nakabatay ang mga ito sa uri ng mga ihahanda.

Ganoon din dapat ay may nakalista na tayong mga rekadong bibilihin sa mga pagkaing ihahanda o iluluto.

Malaking tulong din na sabihin na sa buong miyembro ng inyong pamilya na magkaroon ng toka-tokang gagawin upang hindi lahat ay pagod na pagod. Iwasan nating iilang tao lamang ang mag-aasikaso sa okasyong ganito.

Ngayon pa lamang ay labahan na ang mga damit na kailangan at iwasang maglaba sa mismong Pasko o sa mismong maraming gawain lalo na kung nariyan na ang mga bisita.

Nalalapit na rin ang pagtatapos at pagpapalit ng taong 2019 kaya dapat sa sitwasyong ito ay makabubuting isipin na ang dapat na maasikaso bago ang mismong Bagong Taon.

DEKORASYON SA BAHAY

PASKO-3Kung nais pang maghabol ng dekorasyon ngayong holiday season, may kaunting panahon pa naman pero siguraduhin namang hindi ito masyadong matrabaho o kakain ng inyong buong oras.

Maaari ring ihanda na o mas ipuwesto ang season scents na nababagay ngayong panahon gaya ng mga kandila.

Pwede rin namang ihanda na magkaroon ng creative, festive tablescape na ipapares din sa printable place-cards, color-coordinated dinnerware at fresh, seasonal blooms.

156

Related posts

Leave a Comment