BAGONG TAON, BAGONG PAG-ASA

PUNA

ALWAYS positive ang mga Pinoy sa tuwing papasok ang bagong taon.

‘Yan ang magandang kaugalian ng mga lahi ni Juan hindi katulad ng ibang lahi sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Kahit na isang kahig, isang tuka tayo noong nakaraang taon ay naniniwala pa rin tayong mga Pinoy na itong papasok na 2020 ay umaasa tayong makakaahon tayo sa kahirapan.

Hindi pa rin natin maitatanggi na nahawaan tayong mga Pinoy ng mga kaugalian ng mga Chinese.

Nagpapatunay lamang na ang paniniwala natin pagsapit ng Pasko na kinakailangang may mga bilog na prutas, malagkit na pagkain sa ating mga hapag hainan.

Mas nakararami rin sa mga Pinoy ang naniniwala sa Chinese Horoscope.

Sa kanila rin galing na sa pagsalubong ng Bagong Taon ay dapat mag-ingay tayo at para maitaboy natin ang malas.

Bago pa man matapos ang paghiwalay ng taon ay nakaabang na tayo sa Horoscope na dala ng mga Chinese.

Batay sa Chinese Horoscope sa papasok na 2020 ay may bagong oportunidad, kikita ng maraming pera at magiging matagumpay ang mga taong ipinanganak sa Year of the Rat.

Sila ay ang mga ipinaganak sa mga taong 1912, 1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020, at 2032.

Ang Chinese Horoscope 2020 ay para sa 12 Animal Signs na ang Lunar New Year ay magsisimula sa Enero 25, Sabado at magtatapos sa Pebrero 11, 2021.

Ayon naman sa mga Bible Scholar mas mabisa pa rin ang ipagdasal sa Panginoon kaysa kung anu-anong paniniwala para sa ikakatagumpay ng buhay.

Sa mga Pinoy lahat ay sinusubukan para lang sa kanilang pag-asenso. Pagpalain po tayo ng Poong Maykapal. Happy New Year Po sa ating lahat!

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com//operarioj45@gmail.com. (Puna / JOEL O. AMONGO)

159

Related posts

Leave a Comment