GINEBRA, DOUBLE-EFFORT SA GAME 2

GINEBRA-7

KAHIT pa may bentahe bilang crowd-favorite, tanggap ni Barangay Ginebra coach Time Cone na kailangang kumayod ng husto ang kanyang players upang makuha ang pangalawang sunod na panalo sa kanilang PBA Governor’s Cup Finals best-of-seven series ng Meralco Bolts.

Tatangkain ng Gin Kings na makaungos ng dalawang laro laban sa Bolts sa Game 2 na gaganapin alas-7 ng gabi sa Quezon Convention Center sa Lucena, Quezon.

Aminado si Cone na parang ping-pong ang magiging takbo ng laro ng dalawang koponan at tanging sa huling tagpo na lang magkakaaalaman ng magiging resulta.

“I I have been telling the guys that the series will be crucial in a particular point or situation,” giit ni Cone.

Positibo naman si Meralco import Allen Durham na maitatabla nila ang serye ngayong gabi.

makakabalik ito na mas matibay kumpara sa unang laro sa pagtatangkang maitabla ang serye ngayong gabi kontra Barangay Ginebra sa Game Two ng 2019 PBA Governor’s Cup Best of Seven title series sa Quezon Convention Center sa Lucena, Quezon.

Ganap na alas-7:00 ng gabi pipilitin ng Meralco ipantay sa tig-isang panalo ang kampeonato matapos na mabitiwan nito ang 10 puntos na abante sa ikatlong yugto at posibleng panalo sa end gamne bago tuluyang natakasan ng panalo ng Barangay Ginebra noong Biyernes.

“We’ll come back stronger in Game 2,” paniniyak ni Durham, na inako ang responsibilidad sa 91-87 pagkatalo sa Game 1 makaraang malimitahan siya ng Gin Kings sa huling yugto ng laro.

“I got to shoot better. We got great contributions (from locals like Chris Newsome and Raymond Almazan) but I didn’t perform to the best of my ability, so I got to be better next game,” dagdag ng two-time Best Import awardee.

Pinilit ni Durham na itulak ang Bolts sa panalo sa krusyal na yugto subalit nabutata siya ni Ginebra center Japeth Aguilar sa natitirang 11.2 segundo.

“In my opinion, I thought that was a foul. The video made it look like that was a foul. I mean, he was all over my shoulder. I guess the referees said he got more ball than body. So you just got to bounce back from that,” sabi na lang ni Durham.  (ANN ENCARNACION)

139

Related posts

Leave a Comment