IKA-12 TITULO SA PBA IUUWI NG GINEBRA

GINEBRA-9

TAPUSIN ang serye at iuwi ang ika-12 pangkalahatang titulo ang target ng Barangay Ginebra kontra Meralco Bolts sa Game 5 ng 2019 PBa Govenror’s Cup Finals sa MOA Arena.

Kung mananalo ngayong alas-7 ng gabi ay ito na ang magiging ika-apat na third conference crown ng Gin Kings.

Mismong si Ginebra veteran guard LA Tenorio ang nagsabing tatapusin na nila ang serye matapos itala ang 3-1 abante noong Miyerkoles sa Araneta Coliseum.

Sinabi ni Tenorio na iaalay niya ang kampeonato sa mga kababayang nasalanta ng pagsabog ng bulking Taal sa Batangas.

“Walang ikakasaya ang fans natin sa Batangas kundi yung championship,” giit nito.

Binitbit ni Justin Brownlee ang Barangay Ginebra sa 94-72 panalo sa krusyal na Game 4 upang lumapit sa pagtatala sa panibagong kasaysayan sa liga.

Umiskor si Brownlee ng 27 puntos habang mayroon din itong walong rebounds, walong assists, limang steal, at apat na blocks sa ipinakitang all-around performance para sa Ginebra.

“I thought we were really methodical tonight in breaking them down on the offensive side and we did a great job against Durham. We held him to eight points in the first half and that’s amazing.”

Tinanghal na Best Import of the conference si Allen Durham bago magsimula ang ika-apat na pagtutuos nila sa finals ni Brownlee.

Nagtala si Durham ng 21 points at 27 rebounds, ito ay sa kabila ng 9-of-23 field goals lamang niya kasama ang anim na turnovers.

Sorpresang naglaro ang injured na si Raymond Almazan ng Meralco ngunit hindi ang naging resulta ng Game 4.

“Obviously, Raymond Almazan’s injury changed the complexion of the series. He showed a lot of courage playing but we all know he’s not playing 100 percent,” sabi ni Cone.

Nagtamo ng lateral meniscal tear sa kaliwang tuhod si Almazan ilang minuto pa lang sa Game 3 kaya’t may mga nag-akalang hindi siya maglalaro sa Game 4.  (ANN ENCARNACION)

126

Related posts

Leave a Comment