LVPI AT PVF, TULOY ANG TUG-OF-WAR

volleyball-4

NANANATILING magulo ang mga programa at kalendaryo ng volleyball sa bansa.

Ito ay dahil sa patuloy na tug-of-war sa pagitan ng Larong Volleyball ng Pilipinas Incorporated (LVPI) at Philippine Volleyball Federation (PVF), na naglabas ng magkahiwalay na mga plano at iskedyul para sa national men’s at women’s team.

Nananatili sa listahan ng Federation International de Volleyball (FIVB) ang PVF bilang miyembro nitong asosasyon sa Pilipinas, habang kinikilala naman ng namamahalang pribadong asosasyon na Philippine Olymic Committee (POC) ang LVPI bilang isa sa mga miyembro nitong National Sports Association (NSA).

Noong Nobyembre ng nakaraang taon ay dumating sa bansa si FIVB Director for Asia & Oceania Luis Alexandre Pontes Rodrigues at kinausap sina POC president Abraham “Bambol” Tolentino at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez.

Hiniling ni Rodrigues sa mga nabanggit na sports officials sa bansa na ayusin ang gusot sa pagitan ng LVPI at PVF sa lalong madaling panahon.

Pinanukala rin nito ang pagpapatawag sa lahat ng stakeholder sa isang general assembly at pagsasagawa ng eleksyon, na itatakda ng POC, hanggang sa katapusan ng Enero 2020.  (ANN ENCARNACION)

292

Related posts

Leave a Comment