PRO-CAR: WALANG VALIDATED INFO NA NASA CORDILLERA SI BANTAG

ITINANGGI ng Police Regional Office–Cordillera (PRO-CAR) na may kumpirmadong impormasyon na nasa kanilang rehiyon si Bantag.

Ayon kay PRO-CAR Regional Director BGen. Ericson Dilag, wala pa silang validated report sa eksaktong kinaroroonan ng dating BuCor chief, bagama’t pinaigting na ang manhunt operations.

Nauna nang sinabi ni Jonvic Remulla na base sa huling impormasyon ay posibleng nasa Cordillera si Bantag.

May inilabas nang arrest warrant ang Muntinlupa court noong Abril 2023 kaugnay ng pagpatay kina Percy Lapid at inmate na si Jun Villamor.

Samantala, naglaan ang Department of Justice ng ₱2 milyong pabuya para sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon sa kanyang kinaroroonan.

(TOTO NABAJA)

9

Related posts

Leave a Comment