17,525 NAGPAREHISTRO SA BARMM; MAGUINDANAO DEL NORTE, PINAKAMARAMI

UMABOT na sa 17,525 ang kabuuang aplikante na nagparehistro para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary elections, ayon sa pinakahuling datos ng Commission on Elections.

Batay sa tala hanggang Pebrero 19, 8,616 ang kababaihan habang 8,903 naman ang kalalakihan na nakapagpatala sa rehiyon ng Bangsamoro.

Pinakamataas ang bilang sa Maguindanao del Norte na may 4,654 registrants. Sinundan ito ng Maguindanao del Sur (3,428), Basilan (2,911), Special Geographic Area sa Cotabato (2,353), at Tawi-Tawi (2,151).

Pinakamababa naman ang naitala sa Lanao del Sur na may 2,028 rehistrado.

Muling ipinagpatuloy ang voter registration sa autonomous region noong Pebrero 9 at tatagal sana hanggang Marso 30, ngunit pinalawig pa ito hanggang Marso 31.

(JOCELYN DOMENDEN)

12

Related posts

Leave a Comment