MAY CHEMISTRY SINA JAMES REID AT NANCY MCDONIE

PUSPUSAN na ang ginagawang paghahanda ngayon para sa bagong teleserye na pagbibidahan ni James Reid at ng Momoland member na si Nancy McDonie.

Ayon sa direktor nitong si Antonette Jadaone,  talagang malapit nang simulan ang kanilang taping para rito.

“Natapos na kami sa camera and look test. Tapos patuloy pa rin ‘yung acting workshops, immersions and bonding,” nakangiting bungad ni Direk Tonette.

Matatandaang ang direktor din ang gumawa ng mga teleseryeng ‘On The Wings of Love’ at ‘‘Till I Met You’ na pinagbidahan ng tambalan nina James at Nadine Lustre.

Nakitaan na rin daw ni Direk Tonette ng chemistry ang bagong tambalan nina James at Nancy.

“May chemistry talaga sila dahil nga ‘yung Soulmate Project (tentative title), isa siyang multi-character story. Actually mas nagfo-focus do’n sa dalawang soulmates. Malaking bagay na nakabase do’n sa chemistry ng dalawang artista ‘yung kwento,” paliwanag niya.

Ayon pa kay Direk Tonette, kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ang bagong proyekto dahil talagang bago ang istilo nito.

“Basta ‘pag nilabas na namin ang kwento, mas mage-gets kung bakit kailangan foreigner and Korean. Lalo’t merong certain relationship ang Pilipinas saka Korea in terms of mga K-Pop, Koreanovelas,” giit ng direktor.

Pumapatok ang mga proyekto ni James dahil sa suportang ibinibigay ng mga nagmamahal sa tambalan nila ni Nadine.

Naniniwala si Direk Tonette na tatangkilin din ng mga tagahanga ang bagong tambalan nina Nancy at James.

“Kasi nando’n kami sa kwento eh. Parang feeling ko naman nando’n na tayo sa kind ng era na we go for the story first. It’s really the story. I’m a storyteller. So my loyalty is always to the story and not ‘yung mga nakapalibot. Personally it’s a story I’ve always wanted to do kasi 2016, 2017 ko pa siya kwento. It’s supposed to be a movie. Pinitch ko siya sa iba’t ibang producers. Parang nakalimutan ko na siya, ang dami ko nang nagawang pelikula after that,” paglalahad ni direk Tonette.

220

Related posts

Leave a Comment