RETIRADONG PATAY NA PATULOY NA IPINANGONGOLEKTA PENSYON ITITIGIL NG PNP

IPATITIGIL ng Philippine National Police (PNP) ang pension ng lahat ng dependents ng mga retirado at namatay na pulis, kung patuloy na hindi ire-report ng beneficiaries ang pagkamatay ng kanilang pensioners at iba pang mahahalagang dokumento na kailangan sa pension system.

Ayon kay PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa, layunin ng hakbang na malinis ang listahan ng pensioners matapos sumingaw ang milyong pisong nawawala sa pamahalaan mula sa mga ineligible, unqualified at fake claimants.

“If they fail to report the deaths, automatic, the pension must be cancelled. I am going to that direction, I am going to recommend that,” mariing pahayag ni Gamboa sa isang press briefing.

Matatandaan na nitong nakalipas na linggo, iniutos ni Gamboa ang nationwide

accounting sa listahan ng PNP pensioners bilang tugon sa ulat ng Commission on Audit (COA) na posibleng nadadaya ng ilang benefeciaries ang PNP Retirement and Benefits Administration Services (PRBS) sa kanilang claims.

Ilan sa mga natuklasang pandaraya ng COA ay ang hindi pagre-report ng beneficiaries

sa pagkamatay ng kaanak na retired police personnel o kaya naman ay ang asawa ng pensioner.

Ayon kay Gamboa, umaabot sa mahigit 77,000 ang bilang ng mga PNP pensioner sa bansa.

Nabatid na sinasadyang hindi i-update ng beneficiaries ang records ng mga retirado at sumakabilang buhay na police personnel para patuloy silang tumanggap ng buwanang pension kahit hindi na sila kwalipikado. NICK ECHEVARRIA

 

388

Related posts

Leave a Comment