2020 MPBL LAKAN CUP: BICOL DINISPATSA NG DAVAO

KAHIT may nararamdamang sakit, pinilit ni Mark Yee na lumaro at tulungan ang Davao Occidental Tigers sa 64-56 overtime win laban sa Bicol Volcanoes at isaayos ang semifinals tussle kontra Zamboanga Family’s Brand Sardines sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season South division sa RMC Petro Gazz Arena sa Davao City, Miyerkoles ng gabi.

May iniindang sakit mula sa partial right ACL tear, idiniliber ni Yee ang hook shot para pangunahan ang Tigers sa eight-point run sa ekstrang limang minuto, kung saan binokya ang Volcanoes para tapusin ang quarterfinals, 2-1.

Sa kabilang banda, tinalo ng Zamboanga ang Batangas City Athletics, 69-52, para umusad sa susunod na round.

Dahil hindi masyadong magamit si Yee, habang si Yvan Ludovice nama’y hindi nakalaro sanhi rin ng injury, ang Tigers ay sumandal kina veteran Jerwin Gaco at Richard Albo para takpan ang 7-2 pasabog ng Volcanoes na tumapos sa regulation sa 56-all.

Si Gaco ay nagsumite ng 10 points sa fourth quarter, kasama ang dalawang free throws na inalisan ng tsansa ang Bicol, na tatlong beses nagmintis sa 10 free throws sa huling 2:25 ng laro.

Tuwang-tuwa naman si Davao Occidental coach Don Dulay sa resulta.

“Oh my gosh! Hats off to Bicol, they gave us a tough, tough game,” wika ni Dulay. “I’m happy for my guys for playing hard, never giving in. People were fouling out, our players were injured, but they still fought on.”

“The doctor said that he (Yee) can’t play but he told me that he wants to. What can you do? You got to let him fight,” dagdag niya.

Si Bonbon Custodio ang nanguna sa Tigers sa kanyang 14 points, kasunod si Gaco at Emman Calo at Billy Robles ay may tig-9 points.

May apat na puntos naman si Yee, kasama ang six rebounds, apat sa overtime at three steals sa 18:48 paglalaro.

Ang Bicol ay humugot ng 16 points mula kay Ryan Ongtengco, 15 kay Alwin Alday, na nagmintis sa kanyang dalawang mahalagang free throws.

Kung nahirapan ang Tigers, kabaligtaran naman ang Zamboanguenos na madaling dinispatsa ang Athletics, nang umabante ng 17 points, 67-50 sa huling 2:17.

Magsisimula ang best-of-three South semifinals sa Lunes, Marso 2, kung saan maghaharap ang Basilan at Bacoor sa alas-6:30 ng hapon, at ang Davao Occidental-Zamboanga tussle sa alas-8:30 ng gabi. (VT ROMANO)

361

Related posts

Leave a Comment