OSPITAL SA PROBINSYA PARA SA COVID-19 PATIENTS PINATUTUKOY

IPINAHAHANDA ng isang mambabatas sa Kamara ang ilang ospital sa mga probinsya para sa mga biktima ng COVID-19 upang sa isang pagamutan na lamang madala ang mga ito.

Ginawa ni Iloilo Rep. Janette Garin ang nasabing mungkahi kasunod ng desisyon ng Department of Health (DOH) na italaga ang Philippine General Hospital (PGH) at Jose Rodriguez Memorial (Tala) Hospital para sa mga COVID-19 patients sa National Capital Region (NCR).

“I would like to commend the Department of Health for heeding the call and designating specific hospitals to cater only to COVID-19 patients,” pahayag ng mambabatas.

Sa ngayon ay kalat sa iba’t ibang pagamutan ng gobyerno at maging sa mga private hospital ang mga COVID-19 patients.

“Ngayon naman, ang ating karagdagang panawagan ay bago pa man dumami ang COVID cases sa mga probinsya, mabuti nang ihanda na natin yung ating mga Sanitarium Hospitals na noon ay na-convert na sa General Hospitals,” ani Garin.

Kabilang sa mga pagamutan na nais ni Garin na ihanda para sa COVID-19 patients ang Bicol Sanitarium; West Visayas Sanitarium; Culion Hospital  sa Palawan; Eversly Hospital sa Cebu; Mindanao Central Sanitarium; Sulu Sanitarium at  Cotabato Sanitarium.

Maging ang Labuan Public Hospital sa Zamboanga at Schistomiasis Hospital sa Leyte ay kailangang ihanda umano para tumanggap ng mga COVID-19 patients kapag nagkaroon ng kaso sa mga probinsyang ito.

“Ang mga pasyente sa mga ospital na ito ay kailangan munang ilipat sa DOH Regional Hospitals kung saan matututukan natin yung ibang pasyenteng walang COVID,” ani Garin.

Naniniwala ang mambabatas na mas matututukan ang mga COVID-19 patients kung nasa isang pagamutan lamang ang mga ito hindi tulad ngayon na kalat kalat ang mga ito. BERNARD TAGUINOD

 

129

Related posts

Leave a Comment