Payo ng Malacanang ngayong nagkakasakit na rin ang mga frontliner SOCIAL DISTANCING SERYOSOHIN

PARA sa Malakanyang, “urgent” ang dapat pagtalima ng publiko at hindi dapat balewalain ang ipinatutupad na community quarantine gayundin ang social distancing.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, batid at nakararating sa Office of the President (OP) ang tungkol sa sitwasyon ng mga doktor, nurses at hospital staff na pawang nasa forefront sa pagtugon sa COVID-19.

“The Office of the President has been monitoring the situation on the ground as it has received reports of the concerns of our doctors, nurses and hospital staff who are at the forefront of our country’s efforts to combat

COVID-19, such as their inevitable exposure to the virus and possible infection therefrom, among others,” ayon kay Sec. Panelo.

Kaya aniya, nakikiisa sila sa panawagan ng mga frontliner na nagsasabing “We stay at work for you.. Please stay at home for us.”

Una rito’y humingi ng panalangin ang Malakanyang sa mga frontliner kabilang ang mga pulis at sundalo na nagpapatupad ng community quarantine na ayon sa Malakanyang ay hindi lang nagsasakripisyo kundi nakapain pa ang buhay sa matinding panganib.

Kaugnay nito, kumalat sa social media na ilang doktor na ang namatay matapos madapuan ng COVID-19.

Kinikilala rin ng mga netizen na isang kabayanihan ang ginawa ng mga nasawing medical practitioners na kahit nasa peligro ay tinupad ang kanilang sinumpaang tungkulin. CHRISTIAN DALE

133

Related posts

Leave a Comment