TULONG HINDI FAKE NEWS ITUGON SA COVID-19

UMAPELA si Senador Christopher Bong Go sa mga nagpapakalat ng fake news na huwag aksayahin ang kanilang oras at sa halip ay tumulong na lang sa pagresolba sa COVID-19.

Sinabi ni Go na hindi ito panahon ng pagpapakalat ng pekeng balita at mga maling impormasyon lalo na sa social media dahil nakadadagdag lang ito sa mabigat nang problema ng bansa.

Giit ng senador, karamihan sa mga kritiko ng administrasyon ay puro lang kwento at wala namang kuwenta.

Nilinaw naman ni Go na welcome naman ang mga puna basta para sa ikabubuti ng lahat at hindi para isulong ang political at pansariling interes.

Kasabay nito, nanawagan si Go sa sambayanan na huwag na lamang pansinin ang mga fake news at sa halip ay magtulungan na lang para malampasan na ng bansa ang health crisis na dulot ng COVID-19.

Samantala, suportado ni Go ang panukalang mapalawig ang Enhanced Community Quarantine ng ilang linggo pa hanggang sa bumaba na ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa. NOEL ABUEL

166

Related posts

Leave a Comment