NAGLABAS ng show cause order ang Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa tatlong gobernador at dalawang alkalde dahil umano sa paglabag sa guidelines ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, mayroon lamang 48-oras ang mga hindi muna pinangalanang lokal na opisyal para magsumite ng written explanations.
Kapag hindi katanggap-tanggap ang kanilang paliwanag ay posible silang kasuhan ng administratibo sa Office of the Ombudsman dahil sa negligence, dereliction of duty, at paglabag sa Bayanihan Act.
Mahaharap din sa kasong kriminal ang mga nasabing opisyal sa National Bureau of Investigation (NBI). JOEL O. AMONGO
181 