Sa kawalan ng malinaw na polisiya sa mga manggagawa PAGBUBUKAS NG EKONOMIYA, WALANG SAYSAY

NANINIWALA si Senador Joel Villanueva na mawawalan ng saysay ang lahat ng pagsisikap na muling buksan ang ekonomiya ng bansa kung magpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID 19.

Sa Zoom press briefing sa Senate Media, sinabi ni Villanueva na nakikita niyang may dalawang hadlang sa pagbuhay ng ekonomiya.

Una na rito ay ang hindi pa rin mapigilang pagdami ng mga COVID 19 cases at ang ikalawa ay ang kawalan ng malinaw na polisiya sa pagtulong sa mga manggagawa para maka-adapt sila sa new normal.

Binigyang-diin ni Villanueva na habang pataas pa rin ang infection rate, lahat ng mga hakbangin para muling simulan ang ekonomiya ay babagsak.

“To achieve all this, our government must not hesitate to spend on our labor force. We must understand that at this point in time, investing in our workers will make or break our country’s economic recovery,” diin ni Villanueva.

Pinuna rin ng senador ang mga nakalilitong polisiyang ipinatutupad ng bawat ahensya ng gobyerno partikular na sa mga quarantine procedure sa iba’t ibang lugar sa bansa. (DANG SAMSON-GARCIA)

203

Related posts

Leave a Comment