SUPORTADO ni Senate Minority leader Franklin Drilon ang hakbang ng gobyerno na mangutang upang patuloy na pondohan ang mga hakbangin laban sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Drilon na kailangan mangutang ang gobyerno para mabigyan natin ng stimulus ang mga Filipino at maibalik ang sigla ng ekonomiya.
Naniniwala ang senador na wala nang ibang opsyon ang pamahalaan kung hindi mangutang dahil bagsak ang tax collection.
“Our present financial standing is not sufficient for us to cope with the pandemic situation. The COVID-19 pandemic is far from over,” saad ni Drilon.
Ipinaliwanag ng senador na kailangang gumastos ng gobyerno sa pagkuha ng mga contact tracer, pagbibigay ng insentibo sa mga doktor at mga nurse, pagbili ng Personal Protective Equipment, pagbibigay ng stimulus funds sa mga negosyo at pagbabalik ng mga OFW.
“Ang problema ay ang willingness ng gobyerno lalo na ang Department of Finance para dagdagan ang ating utang kasi wala tayong choice. Walang collection. Kailangan ibalik ang ating ekonomiya para magkaroon ng collection ang BIR,” diin ni Drilon. (DANG SAMSON-GARCIA)
