SOLON: MAY MALI SA COVID-19 PROGRAMS

DAPAT rebisahin ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases ang kanilang mga ipinatutupad na programa kaugnay sa paglaban ng bansa sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa paggiit na may mali sa ilang protocols kaya’t patuloy ang pagdami ng kaso sa bansa.

“IATF must address the health protocols and programs being done by the DOH. Something is very wrong!” saad ni Sotto.

Kasunod ito ng ulat ng World Health Organization na ang Pilipinas ang may pinakamabilis na pagtaas ng kaso ng COVID sa Western Pacific Region.

Naniniwala naman si Senador Joel Villanueva na nawala sa pokus ang gobyerno sa pagpigil na kumalat ang virus sa mga nakalipas na linggo makaraang payagang magbukas ang mga non-essential sector tulad ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Hindi rin anya napigilan ang pagpapahaba ng oras ng operasyon ng mga mall at pinayagang makabalik sa trabaho ang mga manggagawa nang wala namang sapat na transportasyon.

Muli namang iginiit ni Senador Kiko Pangilinan ang matagal na nitong ipinapanukala na pagsasagawa ng mass testing at contact tracing na dapat anyang isinasabay sa quarantine protocols.(DANG SAMSON-GARcIA)

339

Related posts

Leave a Comment