GOBYERNO DAPAT GUMASTOS PARA SA MGA OFW

“DAPAT gobyerno ang magbigay ng pera para matiyak natin na lahat ng kailangan ng ating mga OFW ay ­matugunan. Bakit naman, for the first time na hihingi sila ng tulong at ngayon na nangangailangan sila ng tulong, bakit naman kailangan nating galawin yung pondo nila?… ‘Wag natin gamitin ang pera na ‘yan sa panahong ito,” Ito ang pahayag ni Labor Secretary ­Silvestre Bello lll sa DZMM.

Salungat naman ang katwiran ni Senador Franklin Drilon na tila gusto lamang makuha ang suporta ng OFW pero ayaw naman gumastos. Wika nya sa DZMM “Dapat ngayon patunayan ng Overseas Workers Welfare Administration(OWWA) ang kanilang pagmamalasakit sa OFW, kung kaya dapat na ubusin na nila ang kanilang pondo at kung dumating ang oras na ito ay maari naman daw silang tulungan ng gobyerno.

Tama si Secretary Bello sa kanyang pahayag. Sa maraming pagkakataon kasi na ang OFW ay nangangailangan ng ­tulong ay agad na sa pondo ng OWWA ito kinukuha. Gayung ang OWWA fund ay nagmumula sa ambagan ng mga OFW.

Bukod sa taxes mula sa ipinapadalang pera ng OFW, bago makaalis ang bansa ang isang OFW ay marami itong binababayarang mga ahensya ng gobyerno katulad ng Department of Foreign Affairs para sa pasaporte at authentication, ­Philippine Statistics Authority para sa Birth at Marriage Certificate, National Bureau of Investigation para sa Clearance, Philippine Overseas Employment Agency para sa Overseas Employment Certificate at OWWA para sa kanilang welfare services.

Ngunit bukod sa 1 ­bilyon piso na inilaan ng ­Department of Foreign Affairs para sa pantustos sa Legal Assistance at ­Repatriation, ay wala ng ibang pondo ang inilaan ng gobyerno para sa kapakanan ng mga OFW, kung kaya ­napipilitan na ang OWWA na pondo ng mga OFW ang gamitin sa lahat ng kanilang pangangailangan.

Lumalabas na ang tumutulong sa mga OFW sa tuwing oras ng pangangailangan at ­pagsisimula ng ­negosyo ay mismong mga OFW din na nagmumula sa kanilang $25 na ­kontribusyon. At papasok lamang sa ­eksena ang ­gobyerno ­kapag kailangan ng ­abogado o repatriation na ­makukuha naman sa DFA.

Eto rin ang himutok ng mga kasama kong ­miyembro ng OWWA Board of Trustees, kung kaya nagpalabas kami ng manipesto na ipinadala kay Administrator Hans Leo Cacdac kung saan ay hinihiling na dapat na bigyan ng hangganan ang dapat na gastusin para sa pangangailangan para sa COVID-19 Crisis, at ang kakulangan na pondo ay dapat na magmula sa ­gobyerno.

Personal ko rin na ­iminungkahi na hindi dapat ang OWWA ang ­umako ng lahat ng gastos sa ­pagpapauwi ng ­bangkay ng mga OFW mula sa ­Saudi Arabia, bagkus, ­dapat ay ­maging parte ang ating ­gobyerno sa pamamagitan ng ­paghiling na gamitin ang mga C130 plane ng ­Philippine ­Airforce.

Bukod kasi sa mas makakatipid sa ­gastos kumpara sa ­chartered na private airplane, ­tradisyon na kasi na ang C130 plane ang sinasakyan ng mga ­nasawing bayaning ­sundalo na ­katulad din ng mga Bagong Bayaning OFW.

278

Related posts

Leave a Comment