ANTI-DEATH PENALTY, PABOR SA DRUG LORDS

DISMAYADO si House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers sa mga kumokronta sa death penalty dahil mistulang pinahahalagahan aniya ng mga ito ang karapatan ng
drug lords at iba pang guilty sa karumal-dumal na krimen kaysa mga biktima ng mga kriminal na ito.

“I am sad that in the aspect of the death penalty, all those against it clamor for the human rights of the offenders,” sentimyento ni Barbers at hindi umano iniisip ng mga ito ang karapatan ng mga
biktima ng mga kriminal na ito.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil hindi pa man nagsisimula ang pagdinig sa panukalang balik ang parusang kamatayan ay agad itong ‘binabaril ng human rights advocates”.

Walang ibang nakikinabang umano sa pagkontra ng mga grupong ito sa parusang kamatayan kundi ang mga kriminal lalo na ang drug lords na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabitay sa
pamamagitan ng lethal injection.

Ayon sa mambabatas, kung hindi libu-libo, milyong milyong katao na ang biktima o sinira ng drug lords ang buhay kasama ang kanilang pamilya na naging dahilan din aniya ng iba’t ibang
karumaldumal na krimen.

‘Unfortunately, while they talk about the human rights of the offenders, they remarkably skip talking about and defending the human rights of the victims,” ayon pa sa mambabatas.

Wala aniyang paggalang ang mga sindikato ng droga at iba pang kriminal sa karapatang pantao ng kanilang mga biktima ngunit hindi ang mga huli ang inaalala aniya ng mga kontra sa nasabing
panukala.

Kabilang si Barbers sa 15 mambabatas sa Kamara na naghain ng panukala para ibalik ang parusang kamatayan, hindi lamang sa mga sangkot sa ilegal na droga kundi sa iba pang karumal-dumal na krimen tulad ng rape, carnapping with murder, murder at iba pa.

Gayunpaman, mariing itong tinututlan ng iba’t ibang grupo at nagbanta ang mga ito sa mga mambabatas na kapag itinuloy nila ang nasabing panukala ay papatawan ng parusa ng ibang bansa
ang Pilipinas.

“Kawawa naman tayo. Pati sarili nating kapwa tinatakot tayo at inaalisan na tayo ng sovereignty,” ayon pa kay Barbers dahil sa banta umano ng human rights advocates na kontra sa parusang
kamatayan.

Nagbabala ang mambabatas na kapag hindi magkaroon ng death penalty sa Pilipinas ay patuloy na magpipista ang mga drug lord gayundin ang mga dayuhan na sangkot sa ilegal na droga. (BERNARD TAGUINOD)

121

Related posts

Leave a Comment