CLASS OPENING, PINAAATRAS SA OKTUBRE

DIREKTA nang nanawagan si Senador Bong Go sa Executive Department na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase upang bigyan pa ng sapat na panahon ang mga guro para sa kinakailangangpaghahanda.

“Our children’s safety and well-being are of utmost importance and it is our responsibility to ensure these,” pahayag ni Go.

Tulad ni Senador Francis Tolentino, inirekomenda rin ni Go na iatras sa Oktubre ang pagsisimula ng klase.

“Kung hindi pa handa, huwag nating pilitin.  Magiging kawawa ang mga estudyante, kawawa ang mga teachers. Hirap na po ang mga Pilipino, huwag na nating dagdagan pa ng pressure ang mga bata at mga magulang nila,” diin pa ni Go.

“Siguraduhin nating magiging maayos ang implementasyon para hindi na madagdagan ang paghihirap ng mga tao.  Katulad ng sinabi ko noon, dapat siguraduhin na makakapag-aral ang ating mga estudyante sa maayos at ligtas na paraan in line with the President’s position of ‘no vaccine, no face-to-face classes’,” idinagdag pa ng senador.

Samantala, nangangamba si Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman Sherwin Gatchalian sa posibilidad na tumaas ang COVID-19 cases sa mga guro, school staff at magulang kung itutuloy ang pagbubukas ng klase sa August 24.

Sinabi ni Gatchalian na malalagay sa panganib ang mga guro at magulang na obligadong mamahagi at kumuha ng self learning modules dahil hindi naman maiiwasan ang physical interaction dito.

Maaari anyang ituloy ang pagbubukas ng klase sa mga lalawigan o rehiyon na mababa o walang kaso ng COVID-19 tulad ng lalawigan ng Batanes na hanggang ngayon ay COVID-19-free pa rin.

‘DI IAATRAS

Samantala, wala umanong magiging epekto sa nakatakdang opening ng online classes ngayong Agosto 24 ang posibleng susunod na quarantine classification ng National Capital Region at ilang karatig-lalawigan pagkatapos ng Agosto 18.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi naman kasi magkakaroon ng face-to-face classes dahil gagawin ito sa pamamagitan ng blended learning.

Aniya, maging si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay hindi ipinag-utos ang pansamantalang suspensyon ng muling pagbubukas ng klase o blended learning.

Dahil dito, tuloy ang napipintong pagbabalik eskwela ng mga estudyante bagama’t prerogative aniya ni Pang. Duterte kung kanya itong pipigilan. (DANG SAMSON-GARCIA/CHRISTIAN DALE)

119

Related posts

Leave a Comment