UMABOT na sa 50 ang bilang ng COVID-19 cases sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos magtala ng tatlong kaso sa nakalipas na dalawang araw, kinabibilangan ng dalawang congressional staff.
“A Congressional staff has tested positive for COVID-19. She reported for work on Aug. 17 and 18.
She is not a close contact of any confirmed case in HRep. Contact tracing is underway,” ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales nitong Biyernes, hinggil sa ika-50 COVID case sa
Kamara.
Noong Huwebes ay naitala ang ika-48 at 49 na kaso na kinabibilangan ng isang staff ng hindi pinangalanang congressman at isa mula sa Plenary Support Service.
“Two (2) employees were reported today to have tested positive for COVID-19. The first is a Congressional staff who last reported for work on June 16. The second is from the Plenary Support
Service who last reported for work on Aug. 5,” ani Montales.
Kapwa asymptomatic umano ang dalawang nadagdag sa bilang ng mga COVID-19 case sa Mababang Kapulungan, na umaabot na sa 50 simula noong Marso.
Sa ngayon ay naka-home quarantine ng mga bagong biktima ng COVID-19 at nagsasagawa ang Kapulungan ng contract tracing. Kamakalawa ay naitala ang ika-47 kaso ng COVID-19 na nahawa sa isang Congressional staff na ika-46 biktima ng nasabing virus matapos magkaroon ang dalawang close contact.
Sa nasabing bilang ng COVID-19 cases na naitala sa Kamara, lima sa mga ito ay mga congressman, isa sa mga ito ay namatay sa katauhan ni Senior Citizen Party-list Rep. Francisco Datol Jr., pumanaw sa nasabing sakit noong Agosto 10, 2020.
Kabilang sa mga mambabatas na tinamaan ng COVID-19 ay sina Bulacan Rep. Henry Villarica, Sulu Rep. Amier Tan, Basilan Rep. Mujiv Hataman at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel.
Bukod kina Hataman at Villarica na nakarekober na sa virus, walang impormasyon hinggil sa kalagayan nina Tan at Pimentel. (BERNARD TAGUINOD)
189
